Biyernes, Nobyembre 7, 2014

Ang Pagdadalaga Ni Chad

Ang Pagdadalaga Ni Chad
By: WildFlower10



CHAPTER 05


Ng may huminto sa harapan namin na
sasakyan...

___________ (^-^)___________

Tol chad....sabay ka na samin.. sigaw ni
ian..

Ako: tol 'wag na nakakahiya.. next time
na lang at sabay sabay na kami ng mga
classmates ko..

Aubrey: chad okay lang kami naman sa
bayan lang ikaw tatlong sakay ka pa.

mahihirapan tayo makasakay nito kasi
sabay sabay ang labasan ngaun.. baka
mas gabihin ka malayo pa naman ang
inyo.. (mahabang paliwanag)

Ako: guys okay lang ba sa inyo??
Tumango naman silang lahat
pagsangayon..

Ako: ingats kayo ha.. sa lunew ulit..
malapit na rin exams natin.. review
tayo ha.. sabay paalam sa aking mga
kamag-aaral.. pagsakay sa kotse andon
nga sa pasenger's seat kaya don na ako
pinaupo.. tatlo lang kami ang isa ay ung
driver nila.. magkaibigan kami ni ian
8minths na rin simula noong
orientation day.. kung bakit?

------throwback___",)________

Orientation day june 05, monday..
hayst ang dami dami studyante... puno
ang small grandstand.. ewan ko ba
meron namang katapat na big
grandstand bakit ndi iyon ang venue
para mas maluwag ndi itong parang
nasa lata ng sardinas.. mainit..

tagaktak na ng pawis.. 9:00 ang simula
na nakalagay sa enrollment form namin
pero teka 10:00 am na ah.. filipino
time nga naman.. dahil sa siksikan at
bulyawan ng ibat-ibang estudyante
may isang biro ang dumagondong.. na
nagdulot ng isang aksidente.. oo alam
namin na magulo ang skol namin dahil
halos ito ang pinakamalaki na HS sa
aming probinsya.. halos matatalino sila
na halos ang champion sa division
academics man or extra curricular
activities....

Wala pa naman ako kakilala nong time
na un.. halo.halo ang mga estudyante..
madami ng naiinis dahil late na sa oras
na nakasaad.. pawisan na ang
karamihan sa init ng araw.. ng may
sumugaw...

Studyante lalake: MAY BOMBA... MAY
BOMBA.. MAY BOMBA...

Dahil sa takot mabilis na pulasan,
tulakan.. madami ang nasaktan..
madami sa estudyante ang tumalon na
lang sa may taas na halos isang palapag
na classroom.. ung iba naman ayda
mga hagdaan dumaan.. dahil sa takot..
mapangahas ang tulakan.. walang paki-
alam kong mahulog ang nasaharapan..
o kahit natatapakan mo na ung mga
nadapa dahil sa kaguluhan.. mabilis ang
pangyayari ako? Dahil sa nasa harapan
lang ako.. umakyat ako sa pasamano ng
granspdstand na halos kasin-taas lang
ng aking baewang sabay lakad sa
bubongan ng mga rooms ng TLE dept.
sabay talon na lang.. madami ang
sumunod sakin merong plakda kapag
katalon, meron namang swabe lang..
ubos ang tao sa grandstand wala na..
lahat kami na sa field na malapit oval..
takot.. nanlumo dahil madami ang
nasaktan.. madami ang dumudugo ang
ulo, madami ang napilyan.. sa
makatuwid madaming injured.. sunod
sunod na dumating ang ambulansya,
pulisya.. nagkagulo ung iba pinauwi..
ung mga sugatan dinala sa malapit na
ospital.. at pinagpaliban ang orientation
day.. habang naglalakad palabas nakita
ko na lang bumagsak ang isang lalake..
si ian na nga iyon.. first time na
pagtatagpo, lumapit ako dali-dali
tinulungan s'ya at inalalayan..

Ako: tulong tulungan n'yo kami..
tumawag kayo ng tricycle..

May mga lumapit naman sakin na mga
higher year naka-uniporme na sila kaya
alam ko na higher year sila.

Ilang minuto pa nakapasok na ang
tricycle at tinulungan ako buhatin ang
katawan ni ian..

Kami lang dalwa ang sakay sa tricycle
non..

Ako: mamà sa doctor's hospital po
tayo..

Mabilis namang pinaharurot ng manong
driver ang kanyang tricycle..
pagkadating sa ER
Tulong. Tulong tulungan n'yo kami...
sigaw ko
At lumapit nga sakin ang gwardiya at
ilang nurse ipapasok na sa loob si ian at
ako'y susunod na ng biglang umimik si
manong driver

Driver: hoi bayad mo..

Ako: ay pasensya na manong,
nakalingat ako.. magkano ho ba?

Driver: 20 lang

saglit lang po.. inabutan
ko ng bayad at mabilis ako pumasok sa
loob..

Sa ER andon ako sa labas ng pintuan
naghihintay sa updates mula sa doctor
na tumingin sa lalake na tinulungan ko
ng may lumapit sakin na nurse

Nurse: sir pede ba namin mahingi info
nng pasyente..

Ako: pasensya na po, ndi ko po kaanu-
ano ung pasyente tinulungan ko lang
po s'ya

Nurse: ganun ba, cge mamaya na lang
tatanungin ko na lang ung pasyente..

ang bait mo naman (dagdag nya)
30 mins din s'ya sa ER medyo okay na..
may sugat lang na nilinis at antibiotic
na nireseta para sa sugat nya.. ang
malas pa n'ya nadukot pa ang gago..
walang kapera-pera.. pati ang cp nya
nawawala rin dahil sa kaguluhan sa
grand stand..

Ako: oh bakit? May masakit pa ba?
Bakit ganyan ang hitsura mo parang
nalugi ka?

Lalake: nadukutan ako nawawala cp at
wallet ko.. :-(

Ako: yaan mo na un, mahalaga ligtas ka
na.. kesa naman tulad ka nila ngaun!

Lalake: cnung sila?

Ako: eh di ung malala ang dinanas dahil
sa may balitang may bomba..

Lalake: oo nga eh, ako nga pagtalon ko
ndi ko napansin ung basuran na drum
kaya ito nagkasugat pero okay na
nalinis na at may reseta na..

Ako: cge, tara na sa information desk..
Don ko nalaman na ian michael pala
ang pangalan ni gago.. sa kabilang
bayan sila nakatira.. dahil okay na s'ya
ndi na need pa iconfine.. babayaran
lang ung bills buti na lang may pera ako
un ang pinangbayad ko may isang daan
pa ako na natira at nabili na rin namin
ang nireseta sa kanya.. at nagpresenta
na rin ako na igatid s'ya tutal wala
naman na pasok at maaga pa.. akbay
lang s'ya sakin 30mins ipnakadalwang
lipat lang kami ng jeep bago marating
ang bayan nila.. mismong proper
naman sila.. malaki ang bahay
mayaman.. malaki pa sa bahay ng lolo
at lola ko. Laking gulat naman ng mga
magulang nya ng makitang paika-ika
ang kanilang anak habang inaalalayan
ko. Pinapasok na kami sa bahay diretso
sa salas pinaupo ako at sila na umalalay
kay ian..

Mama ni ian: io what happened?
(Nagaalalang tono)

Ian: nothing ma, konting aksidente lang
po sa skol..

Papa ni ian: 'ndi ka kasi nagiingat
(pagalit na bigkas ng ama)

Mama ni ian: honey, nasaktan na nga
ang anak mo sisigawan mo pa mahiya
ka naman may kasama s'ya..

Lumingon sakin.. at nakayuko lang ako
nahihiya..

Ian: mama schoolmate ko nga po pala
s'ya po tumulong sakin, s'ya din po
nagdala sakin sa hospital.. nagbayad ng
bills at bumili ng mga gamot..

Mama ni ian: iho, maraming salamat sa
kabutihang loob na pinakita mo sa anak
namin..

Ako: wala po anuman..

Mama ni ian: kumain na ba kayo?

Ian: 'ndi pa po mama

Papa ni ian: manang.. manang..
maghanda ng makakain sa lamesa
kakain ang señorito mo at bisita nya
Mahabang kwentuhan pa nila tungkol
sa nangyari na kinagalit ng papa niya ng
malaman ang dahilan ng aksidente..

Papa ni ian: yan ang sinasabi ko dapat
sa private ka na pumasok.. kaya ka
naman namin pagaaralin don.. gumaya
ka sa mga kapatid mo sa private skol
pumasok..

Ian: papa auko nga don, gusto ko sa
public.. mas challenging.. gusto maka-
interact sa mas matatalinong tao

Ate ian: talaga lang ha, so mas
matatalino ang mga nasa public school?
Ian: ate ayoko makipagtalo sa'yo..

hayaan n'yo na ako sa mga desisyon ko
kung saan ako papasok..

Mama ni ian: s'ya kumain na kayo tiyak
gutom na kayo
Kumain na nga kami kaunti lang nakain
ko sa hiya.. pero si ian.. hayst lakas nya
kumain pero payat naman..

After kumain, balik sa salas na kami..
at ang mama ni ian lumabas mula sa
kwarto at nagabot ng sobre sakin..

Ako: ano po ito madam?

Mama ni ian: masyado ka pormal iho..
tita ester na lang tutal kaibigan ka na
ng aking anak..

Ako: cge po tita ester..

Tiningnan ko ang laman ng sobre..
madaming pera ang laman non.. puro
isang libo..

Ako: para saan po ito..?

Tita ester: para sa pagtulong mo sa
anak namin! Maraming salamat chad
utang namin ang buhay ng anak namin.

Ako: kinuha ko lang ang dalwang libo at
kinuha ko ang natirang sukli.. at nilagay
sa pabalik sa sobre.. at iniabot sa
mama ni ian..

Laking gulat ng mukha ng mama at
papa ni ian.. kahit si ian at nagtaka sa
ginawa ko..

Ako: mam sir tumulong po ako sa anak
n'yo na ndi inisip kong ano estado n'ya
sa buhay, walang pagaalinlangan sa
aking sarili.. kalabisan po ang
pagtanggap sa halagang inyong iniabot..

kinuha ko lang po ay ang halagang
laman ng aking pitaka bago ang
insidente. At aktong iaabot ang mga
resibo na aking binayaran..

Tita ester: (yumakap sakin) ndi namin
kailangan ng resibo ng iyong gastos..
pinakita mo samin na isa kang
mabuting bata, mabuting kaibigan ng
aming anak. Salamat salamat.. niyakap
na rin ako ng ama ni ian para mag
pasalamat.

Mama at papa ni ian: chad and ian
maiwan na muna namin kayo.. chad
iho, fell at home ibibilin ko na rin sa
isang driver na ihatid na ka pauwi
mamaya papunta kami ng tito mo sa
bday part ng aming amiga.. cge iho
maraming salamat ulit.

Ako: wala po anuman tito at tita ingat
po kayo.

Mahabang kwentuhan, kulitan.. puro
jokes ako nun tawa lang s'ya ng tawa..
5 pm na ng ihatid ako nila ian at ng
driver nya sa bahay namin pagtigil sa
harap ng bahay namin wala tao..

Ian: teka ikaw lang ba magisa na nakatira
jan?

Ako: ndi ah.. may tatlo pa ako kapatid
na lalake pati magulang ko.. ewan ko
lang kung bakit wala sila baka nakila
lola lang ung mga un..

Ian: saan ba bahay ng lola mo??

Ako: sabay turo sa ilayahan.. doon oh
medyo malayo lang kaunti lalakadin ko
na lang.

Ian: ihatid ka na namin..

Ako: 'wag na kaya ko na.

Ian: 'ndi.. (pagpupumilit nito) ihahatid
kita sakay na.

Wala ako nagawa kundi sumakay
walang isang minuto andon na ako sa
bahay nila lola.. bumaba lang si ian
saglit at pinakilala ko na bagong
kaibigan.. si tito epoy.. nakatingin
masamang tingin ewan ko ba don..

-----plak.. plaak..---

Naka-ilang tapik na pala si ian sakin
habang nakasakay sa kotse..

Ian: hoi mukhang naenkanto ka jan
ah..

Ako: wala naalala ko lang ang mga
nakaraan tol

Ian: alin naman yang naalala mo?
Maganda o panget?

Ako: gwapo!

Ian: cnung gwapo? Naguluhan..

Ako: ay wala wala.. (paglilihis ko ng
usapan) panget na alaala nakakatawa..
Ian: hmmm at ano naman yan ha?

Ako: nung may sumigaw na MAY
BOMBA.. MAY BOMBA.. MAY BOMBA..

hahahahhahahaha malakas na tawanan
un ang maririnig sa loob ng sasakyan..

Ako: congrats pala tol 1st runner up
ikaw na..

Ian: naman next year akin na ang title
bata pa eh pinaubaya ko na sa mga
senior citizen

Ako: lol mas hot lang talaga ung senior
noh..

Ian: mas hot kesa sakin? (May
pagtatampo)

Ako: next year ikaw na, wala na ung
senior eh.. hahahaha

Ian: (may lungkot sa mukha),okay sabi
mo eh

Ako: alam mo ang drama mo..
Kulitan at asaran na naman kami at ndi
ko namalayan na nasa harap na pala
kami ng bahay.. señorito andito na po
tayo sa bahay ng kaibigan n'yo..

Ako: ay ang bilis noh.. dito na pala tayo
samin.. tol baba ka muna para
makapagmeryenda..

Ian: wag na tol sobrang pagod na ako
eh next time na lang pede?

Ako: cge ipahinga muna yang hot mong
body.. sabay ngisi..

Ian: naman tol, dapat alagaan dami pa
naman nagllaway dito..

Ako: yan ako sa'yo eh, over sa
confidence sabay tawanan..
Oh xia ingat tol.. manong dahan dahan
sa pagmamaneho ha.

Ian: bye..

Ako: bye ingat

Pumasok na ako sa bahay... ndi ko
napansin na andon pala ang motor ni
m. Anthony.. at nakatayo sa
tagiliran..pero diretso ako pagpasok sa
bahay.. nakakapagod grabeh (sa isip
ko) matagal na ako nakahiga sa sofa ng
umimik si mama

Mama: oh anak asan na ung bisita mo?
Ako: mama umuwi na ndi naman
bumaba ng kotse si ian.. pagod daw..

Mama: ung nakamotor? Kanina pa un
sa labas mahigit 30 minuto na bago ka
pa dumating.. ayaw naman nya
pumasok..

Mabilis akong napabangon sa
pagkakahiga.. shiit (sa isip ko) agad
akong lumabas pero wala na si m.
Anthony sa labas ng bahay..

Tambay: pareng cha may hinahanap ka
ba?

Ako: oo eh, meron daw ako bisita na
naka-motor sabi ni mama..

Tambay: oo halos isang oras s'ya dito
nakatayo sabay turo, di mo ba s'ya
napansin? Isang metro lang pagitan
n'yo ah.. kita ka pa nga n'ya na kausap
mo ung naka-kotse.. chad mukhang
may problema malungkot ang mukha
eh.

Ako: ndi ko napansin, ndi naman sya
pumasok sa bahay nung nakita n'ya
akong dumating.. cge kuya jhun pasok
na ako, kapagod activity sa skol eh..

Hayst natapos na ang foundation day..
pati ang examination week natapos na
din.. ilang lingo na lang GOOD BYE
FRESHMEN WELCOME SOPHOMORE na
kami.. lumabas na din ang ranking ng
honor rolls sa section namin.. at ako?
Rank #6 RICHARD ALVAREZ 87.89
super saya ko.. 1st time ko mapasama
sa top 10.. binati ako ng mga
classmates ko..

Aubrey: congrats chad you desereves
this.. matalino ka naman wala ka lang
focus..

Ako: aubrey sorry ha, nawala ka tuloy
sa honor roll kasi napasama ako sa list..

Aubrey: ano ka ba, okay lang un noh..
3 consecutive gradings naman na
kasama ako sa top ng section natin.

Masaya ang araw na un syempre dahil
sa pagkakasama ko sa top students
hehehe kwentuhan.. batian sa mga
tropa at planning for clearance kung
kelan namin magsisimula ng may
yumakap mula sa likod ko..
Congrats chad

Matagal s'yang nakayakap mula sa aking
likuran... si ian ang aking bestfriend..
sanay na ako sa yakap n'ya pero apsa
mata ng aking mga classmates bago
ang tanawin na iyon. Ilang minuto?

Ewan ko matagal s'yang yumakap sakin,
parang naglalambing.. parang bata.. at
ang mga classmates ko na babae ayon
tulala sa gwapo ba naman nya.. 1st
runner up mr. Foundation.. ikaw na..
pilit lang ako humarap sa kanya upang
makawala sa kanyang pagkakayakap..
sabay sabing

Ian: congrats bestfriend
Nagtaka naman ako.. kakalagay lang ng
honor list namin sa bulliten board tapos
s'ya na ndi ko naman classmates
nalaman agad nya? Pano?

Ako: pano mo naman nalaman un?
Pagkalito ko
Ian: nung linggo ko pa alam ang
ranking ng section mo..

Ako: papano?

Ian: eh di kinulit ko adviser n'yo.. sa
gwapo kong ito ndi ako pagbibigyan ng
adviser n'yo?

Ako: mahangin ka talaga eh ano? Sabay
pisil sa ilong nya..

Crowd: wow ang sweeet oooiii oooiii
iba na yan ah
Kami tuloy ang tampulan ng tukso ng
mga sandaling iyon..

Ian: ian guys congrats sa inyo sa
kabilang sa top studenta ng section
n'yo dahil jan treat ko kayo

Crowd: yehey! Wooooowww! Ang bait
mu naman ian

Mga kinilig ang barkada ko.. naglakad
nga kami papunta sa 2nd year area don
lang kasi ang malapit na nagtitinda ng
mga meryenda sa hapon..

Ian: guys ano gusto n'yo?

Aubrey: ikaw..

Ian: ( pilyong tingin) bukod sakin.. kasi
ndi naman ako magpapakain hahaha
what i mean is what does everyone
want for snacks? Para ako na ang
oorder..

Jenn and eric: anything, kaw na
bahala.. tutal libre mo naman eh
Ian: okay, ikaw ba chad may request ka
ba?

Ako: nothing ian.. kaw na bahala..

Si ian na nga ang namili ng meryenda
namin, tigiisang pansit, banana que,
lemon square at 12oz. Soft drinks ang
binili nya sa bawat isa.. halos lahat
kami ay meron ng kanya
kanyangmeryenda at naghihintay na
lang na masettle ni ian ang payment..
kwentuhan.. alskahan.. ang kukulit
naman sa gitnang bahagi na iyon ng
canteen sa sophomore's area na
merong malakas na tunog..

BAAAAAAAAAANNNNGGGG!!!!!
pulasan ang tao, kanya kanyang takbo..
may ilang dumapa.. mga nataktak na
paninda.. nagkagulo ang mga
estudyante nagmemeryenda ng mga
oras na iyon.. ako nanatiling nnakatayo
pa rin sa aking kinatatayuan.. walang
kakibo-kibo tulala walang pakialam
kong mabnga ako ng mga
nagtatakbuhan.. walang tumatakbo sa
isip ko.. para akong namaligno.. walang
ulirat.. para akong iniwan ng aking
kaluluwa.. walang pandama manhid sa
iyak at sigawan ng mga nasa paligid.. ng
may lumapit sakin na lalake at hinila na
ako para tumakbo.. tulala parin pero
tumatakbo.. sunod sunuran sa kung
sino ang humihila sa akin.. malayo din
ang aming tinakbo pabalik sa aming
classroom.. pagdating sa gate ng 1st
year area tulala pa rin ako walang
naririnig

Ian: chad chad... hoi chad (litong lito)
(kabado) hawak ang aking
magkabilaang pisnge.. kinakalog.. chad
please chad.. patuloy pa rin s'ya sa
ginagawa n'ya para bumalik ang aking
ulirat.

Namumuo ang mga butil ng luha sa
tagiliran ng aking mga mata.. (plaaaak)
Malakas! Masakit! Naramdaman ko ang
sampal ni aubrey na nagpatulo ng mga
pinipigilang mga luha sa aking mga
mata.

Ian: aubrey ang lakas naman ng sampal
mo..

Aubrey: sorry ian, ayan bumalik na sa
katinuan si chad

Ako: humagulhol sa pagiyak..
malakas walang pakialam sa kung sino
makakakita sakin.. yakap yakap pa rin
ako ni ian ng mga oras na un
pinapakalma..

Ian: chad ilabas o lang yan.. cge lang,.
Iiyak o lang yan chad andito lang kami..

Ako: ung babae duguan.. ung babae
duguan madaming dugo.. bumulagta
s'ya sa kalsada.. tinamaan ung babaeng
katabi ko.. binaril s'ya nung babae..
binaril s'ya.. at patuloy pa rin ako sa
pagiyak..

Ian: okay lang yan chad cge lang..
ilabas mo lang.. iiyak mo..

Matagal syang nakayakap sakin patagal
ng patagal ay kalmado na ako.. paunti
unti..

Bumitaw sa pagkakayakap si ian.. at
kinuha cp nya tumawag sya sa driver
nya at pinapapasok na sa skol para
sunduin sya..

At si aubrey and jenn sila naman ang
yumakap sakin..

Jen: chad thanks god ndi ikaw ang
nabaril..

Aubrey: uu nga friend pasalamat tayo
kay god ndi ka napahamak..

Ang tagpung magkakayakap kaming
magkakaibigan ng umimik si ian

Ian: guys pacnxa na muna ihahatid ko
na muna si chad.. traumatic ang hapon
na ito need na nya magpahinga.

Jenn and aubrey: okay ian. Thanks ah
for always being there for chad

Ian: we're friends, you don't need to
say thanks it's my obligation.. see you
when i see you guys!

Nakatulala pa rin ako habang
nakasandal ako kay ian.. patuloy pa rin
ang pagtulo ng aking luha.. ilang saglit
pa nakarating na rin kami sa aming
bahay.. inalalayan ako ni ian.. kinausap
nya si mama about what happened
earlier.. kaya pinapasok na lang ako sa
kwarto si ian naman ay umuwi na sa
kanila.. clearance days ndi na ako
pumunta sa skol para mabawasab ang
stress, kuhaan na lang ng classcards ako
pumunta dahil exempted naman ako sa
clearance signing dahil sa nangyari.. ito
na GOOD BYE FRESHMEN WELCOME
SOPHOMORE!

Bumalik kahit papano ang saya ko..
kasama ang mga kaklase ko.. binding
sinulit namin ang holding bonding kasi
mahaba haba ang bakasyon. Kasama
namin si ian sa mall gala gala.
videoke.. laro sa arcade para kaming
mga bata nun inabot na kami ng gabi
sobrang saya .. si ian para namang
nakalaya iba daw pala ang bonding ng
teopa namin sila kasi ng classmates nya
puro aral.. kasi section 1 sila piling pili
ang nasa section 1 nababawasan sila
pero ndi aila madadagdagan.. hanggang
4th year.. ganun pala un.. kaya once
lang ang opportunity sa kanila ndi pede
pakawalan ang maintaining 90.00 kapag
bumaba kick out sa section 1 lipat sa
section 2.. kaya ndi ko s'ya masisi sa
sayang naramdaman nya sa bonding w/
my barkada.. sobrang saya, at naulit pa
ung treat nya samin nung araw na un..
s'ya bumili ng foods namin sa jollibee
giliw na giliw ang mga kaklase ko..
masaya hanggang sa nagsiuwian na sila
at ako? Syempre inihatid pa ako ni ian..
Isang buwan ang nakalipas.. balik
school para maghanap naman ng
section assignment since letter A ang
apelyido ko madali lang.. at maliit na
bracket lang ang hahagilapan ko from
17 to 10 syempre don lang maglalaro
ang aking sections.. ndi naman pede na
mas bumaba ako from 17 to 20
hahhaha..

Nakita ko si ian.. nakatayo malapit sa
gate ng sophomore area..

Ako: hey what are doing here?

Ian: wala bakit? Bawal ba pumunta dito
sa skol?

Ako: ndi naman... d ba retained ka
naman sa section 1?

Ian: yeah.. why?

Ako: so ndi mo naman need pumunta
pa dito.. unless meron ka
pinopormahan na chikcs?

Ian: wala, ikaw malisyoso ka talaga eh..
namiss ko lang ang friend ko
Ako: wow ah, eh palage ka naman
napunta sa bahay ah..

Ian: at saka gusto kita tulungan
hanapin ang section mo ayaw mo ba?
(May lungkot sa mukha)
Ako: ndi naman kaw talaga
matampuhin ka talaga.. tara na dali
mainit na eh..

Ian: ano ba sa palagay mo ang section
mo?

Ako: section 1 biro ko

Ian: hahaha ambisyoso.. lahat kami sa
section 1 kung ndi valedictoria ay
salutatorian impossible na mapapunta
ka sa section namin pagyayabang nya..

Ako: alam ko naman un.. biro lang un..
cguro 10-16 jan ako mapapasama.. ndi
naman ako baba sa section 18-20+ d
ba?

Ian: pede naman..

Ako: what? Auko mas bababa pa
section ko? (May gulat sa mukha)

Ian: biro lang ito naman.. maaari baka
andon ka sa bracket na un tara hanapin
na natin section mo..

Done 17-10 wala ang name ko...
hayst..

Ian: baka naman nabura ka sa master
list.. nakita na natin names ng mga
barkada mo eh..
Chad.. chad.. chad... sigaw ni aubrey..
Loka loka talaga itong si aubrey parang
taga bundok (bulong ko)

Ako: oh bakit? Sigaw ka ng sigaw jan
alam mo para kang taga bundok..
Tawanan naman kami.

Aubrey: (namula nahiya) hi papa ian..

Ako: malandi (bulong ko) bakit ka
nagsisigaw jan??

Nakasalubong ko pinsan mo si
stephen.. sabi aubrey

Ako: hay naku aubrey, nakita mo lang
ung pinsan ko na matagal mo ng
pinagnanasahan.. maya na tayo
magkwentuhan ndi pa kasi namin
makita ni ian ang name ko (may
pagaalala)

Tatalikod na sana kami ni ian

Aubrey: un nga ang pinunta ko..

Ako: bakit?

Aubrey: wala ka sa kahit saang section!

Ako: ha? Bakit naman? Anong
katarantaduhan yun aber?

Ian: sabi ko sa'yo chad eh baka nabura
ka sa master list

Aubrey: ayaw na ata ng school sayo
kaya wala name mo

--sobrang nalungkot ako nun..
nakasimangot.. parang maiiyak..
hinihimas naman ni ian ang likod ko..---

Hahahahaha... hahahaha... hahahaha..
Parang baliw si aubrey nung oras na
iyon.. bigla na lang tumawa.. hay naku
chad naisahan kita.. binibiro lang kita..
naniwala ka naman..

Ako: hay naku aubrey malala ka na
nga.. ndi kita ilalakad sa yummy kong
pinsan.. manigas ka jan..

Aubrey: chad biro lang, ikaw naman
pinasasabi pa lang ng pinsan mo
magkaklase daw kayo!

Ako: ha? Talaga so ibig sabihin non
nasa top 10 section na ako?

Ian: cnu ba pinsan mo?

Ako: si stephen alvarez montillano

Ian: ah from section 9 nung freshman
pa lang tayo..

Aubrey: yeah pangalwa sayo ian na
pinakaHEARTROB ng campus

Ako: anong section aubrey?

Aubrey: section 8 kayo..

Ako: ang laki naman ng tinalon ng
section ko? Section 17 to section 8 ndi
ko inaasahan..

Ian: ganun talaga.. kasi pansinin mo
ang mga bulletin board chad sa top 10
madalang ang merong lalake.. kung
meron ndi hihigit sa kalhati ang bilang
majority ang top students ay babae..
kaya cguro malaki ang tinalon ng
section mo.

Aubrey: good luck chad see you
around! At ikaw din papa ian..
(nakangisi) sabay flying kiss

Ako: malandi ka talaga (bulong ko)
Naglakad na nga kami ni ian papunta sa
classroom ng section 8 andon nga
name ko at ni stephen na pinsan ko..at
last nakita rin namin.. after ng
nakakapagod na hapon umuwi na kami
ni ian, madaming araw pa ang lumipas
malapit ng matapos ang bakasyon..
halos isang lingo na lang..

Bday ni lola sa isang araw huling araw
ng buwan ng mayo.. may handaan..
kahit umiwas ako kay tito ng mga
nakarang buwan... ngaun wala na
akong dahilan.. madaming bisita,
kapitbahay, kaibigan, kamag-anak..
masaya naman ubod ng saya kahit mga
tropa ni tito andon sa kasiyahan.. auko
makisaya ndi naman ako mapapansin
dahil madami ang tao.. kaya naglakad
ako papalayo papunta sa kubo kung
saan ako palage tumatambay.. may
kalayuan un sa bahay nila lola.. pero
pagaari pa rin nila lolo ang lupain na
kinatitirikan non.. ng may sumusunod
pala sakin...

Abangan..

Itutuloy....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento